Pages

Sunday, July 31, 2011

Pagpapahalaga



June 2004
8:30 pm Wednesday

Kaya masarap ang isang tagumpay ay hindi dahil lamang sa magandang buhay na tinatamasa kundi sa hirap at sakripisyo bago ito makamtan.

Kaya siguro hindi masaya ang iilan sa kanilang mga ipinagtagumpayan marahil ay hindi nito dinanas ang sakripisyo o paghihirap na kinakailangan.

Hindi nila inilaan nang buong puso at isip, manapa'y pagpapahalaga sa kanilang mga pinagtutuunang gawain.

Ang isang taong kuntento sa buhay, bagama't nagpakahirap at nagpahalaga, nalulugod sa kung anumang meron siya.

Ang halimbawa ng isang dalisay na sakripisyo ay ang ginawa ng panginoong hesukristo para sa atin. Ang sakripisyong iyon ay hindi para kalugdan siya ng diyos Ama kundi para tayo ay kanyang mailigtas. Sa katunayan nga, para sa akin marahil, balatkayo lamang ang mga pangyayari na kung saan ang pagkakaalam ng lahat ay napatay nila si hesukristo. Ikinalugod ng marami ang pagkamatay niya.

Subali't kay kristo, upang matahimik na nga lamang at ikagalak na ng mga taong nagaalipusta sa kanya, siya ay nagpakita ng kahinaan, kababaang loob. Ito ay sa pamamagitan ng kanyang dusa at kamatayan sa ilalim ng mga nakatunghay na mga nangaalipustang mga mata ng mga taong iyon. Lingid sa kanila, ginawa ito ng panginoon upang tayo'y tulungan.

Inyong natatandaan ba nang sabihan si Abraham ng Diyos Ama na isakripisyo ang kanyang kaisa-isahang anak na si Isaac subali't binago nang diyos Ama iyon at sa halip ay tupa na lamang ang isinakripisyo?

Marubdob ang pagpapahalaga ni Abraham sa kanyang anak na si Isaac. Ang katagang "sakripisyo" ay halaw sa pagbibigay-loob ng walang hinihintay na anumang kapalit, ito ay may kalaliman ang kahulugan kumpara sa katagang "pag-aalay".

Kung ang kasaganaan ay hindi nag-ugat sa pagtitiyaga, sakripisyo o pagpapahalaga; ang hinihintay na gantimpala, sa isang taong walang kabusugan, animo'y hindi na dumarating ang kasaganaan.


Samantalang kung ito ay mula sa hirap at pagod, ninanamnam mo ito. Hindi ba't ang kasaganaan habang tumatagal nauubos din? Subali't ang iyong sakripisyo, determinasyon o pagpapahalaga sa isang bagay o gawain, hindi ito mawawala bagkus iyung sasariwain sa iyong mga alaala paulit-ulit. Ito'y magsisilbing inspirasyon upang huwag mapanghinaan ng loob.





Merong dalawang magkaibigan na nagpapaligsahan. Kung sino ang makakaipon ng pinakamalaking pera sa loob ng tatlong araw siya ang panalo at may gantimpalang makukuha.

Si Juan, ang ginawa'y nagsipag, nagtrabaho at nag-ipon para makakuha ng malaking pera.

Samantalang si Pedro ay nagsanla at umutang, samakatuwid ay hindi nagpakahirap.

Ang pabuya na makukuha ng mananalo lingid sa kanila ay pera rin.


Sa ikatlong araw, mas maraming perang naipakita si Pedro laban kay Juan at naiuwi niya ang gantimpala.

Walang pagsisising makikita kay Juan kahit siya'y talunan sapagka't ginawa naman niya ang dapat gawin at nakita niya kung pa'no siya magsakripisyo at magsumikap kung pipilitin.

Samantalang si Pedro at ang kanyang gantimpalang pera, ito'y pinambayad niya lamang sa kanyang mga inutang at isinanla. Ang kaisipang panalo o gantimpala ay walang halaga kay Pedro bagama't siya ang nagwagi.

Balewala lahat ang kanyang mga pinag-aksayahang panahon.

Inis halip na galak ang nararamdaman ni Pedro nang siya ang manalo.

Ang nagpapatatag sa isang tao ay ang mga karanasang nagbunsod sa kanya na magsikap, magtika at magparaya.

Ang bunga ng mga paghihirap na iyon ay isang kunsuwelo na lamang.

Hindi kailanman naging sagabal ang mga ito upang maging matagumpay ka sa buhay bagkus ito ang iyong mga sandata kung sakaling ikaw ay madapa at di nakamit ang tagumpay.







salamat po sa mga pic:
zedge, the pinoy warrior, Datgirl, mga kuwentong liyad
at musin yohan gallery

Saturday, July 30, 2011

Garapon


June 09, 1996
11:30 pm Sunday


Napapansin mo ba minsan sa kusina ang mga langgam na hili-hilerang gumagapang na para bang may prusisyon; at kung susubaybayan mo ang pinakahuli nito, nasa may mga pagkain pala sa lamesa nagkukukumpulan ang mga ito? Ang kuwentong ito ay tungkol sa mga langgam na maihahalintulad din sa mga tao.


May mga grupo ng langgam ang nagpipista at kumakain ng asukal sa loob ng garapon.

Dahil sa masarap ang kanilang kinakain, hindi nila makuhang umalis sa garapon ng asukal bagama't may nakaambang panganib.



Nang mapansin ng may-ari ang mga langgam sa loob ng bote ng asukal, pinaaalis niya ito sa pamamagitan ng pagpapag-pag.



Kakaunting langgam lang ang umaalis.

Dahil sa maawain ang may-ari, hindi niya ito pinatay bagkus pinabayaan na lamang niya ang mga ito na makalabas.

Nakalipas na ang mahabang oras ay marami pa ring mga langgam ang nasa loob ng garapon.



Ang ginawa ng may-ari ay isinarado na lamang niya ito.

Dahil sa naka-ambang panganib, may mga langgam na nag-aatubiling lumabas sa bote at ang mga iyo'y nakatakas; subali't ang iba'y nahuli na, sapagka't ito'y sinarahan na ng mahigpit ng may-ari.

Ang mga nalalabing pang mga langgam ay takam na takam na kumakain pa rin ng asukal sa loob ng garapon at di nila alintana ang mga nangyayari sa kanilang kapaligiran.


Nakita ng maawaing may-ari ang mga langgam kaya't binuksan na lamang niya muli ang garapon at pinabayaan na lamang na makatakas ang mga langgam. Nguni't ang karamihan sa mga ito ay ayaw pa ring magsi-alis at patuloy pa rin sa pagkain. Sa kahuli-hulihang pagkakataon ito ay binuksan ng may-ari hanggang sa...


Napagod na ang may-ari sa kahihintay kaya't hinigpitan na muli nang may-ari ang takip ng garapon at pinabayaan na lamang ang mga langgam sa loob. Namatay sila dahil sa sobrang higpit ng pagkasara sa garapon, walang hangin na makapasok sa loob nito.


Awang-awa ang mahabagang may-ari subali't hindi nakinig ang mga kaawa-awang mga langgam, sa halip, takam na takam pa sila sa pagkain sa garapon.



Ang tao'y parang mga langgam. Napakamaawain ng Diyos sa atin; makailang beses niya tayong binabalaan, sinasabihan; subali't tayo ay hindi nakikinig. Sa halip ay patuloy pa rin tayo sa ating makamundong hilig. Ilang beses na tayong pinagsabihan nguni't ayaw nating makinig.

Balang araw, kailangan na tayong kalusin kahit na gaano pa kabait ang ating may-ari kung lahat tayo'y hindi makikinig sa kanya, maaaring ganun din ang ating sasapitin, tulad ng mga langgam sa garapon.






salamat po sa mga imahe:
zedge, superstock.co.uk, buffalobeast.com,ask.com
wildaboutants.com, varbak.com

Tuesday, July 26, 2011

Melodies of Life



August 26, 2009
12:00 am Wednesday


Songs are imprints in life. Whenever we hear familiar songs, we bring back time and recall specific memories we had experienced before; in effect recapture that old feelings of exhilaration, enjoyment, excitement and even despair all over again. We also recall how we live life in the past; an example of this is we remember specifically the time when we're eating out with our high school friends or even the specific day when we had so many problems in life when we hear the familiar songs.


Seldom we hear the oldies song "devoted to you" by Everly Brothers; but whenever I hear the song , It brought back the era of 1970's in me, happily walking in the street towards my kindergarten school in project 4 Quezon city , clad in my brand new school uniform with light blue bag and blue shorts.

I keep on remembering also that feeling of excitement along with my two other brothers running towards the playground plaza. It makes no sense, in a way, but it's a good feeling; as if you wanted it to really happen all over again.

I knew that the song was made in the 60's but somehow maybe it touched me indirectly because, when we were young, whenever I (with my 2 brothers) walked or run towards the plaza to play, there’s one particular house alongside the street near the playground, that almost always played that song "devoted to you" every single day, every afternoon between 3:00 to 5:00pm, as I recall it.

I keep on remembering the place, the mixed joyful feeling when I was a child, even the "scent" of that one particular period in time. Was it abnormal? Do others have the same feelings when they remember things or places the way I do?

Every song has its meanings and I have no idea at all about the meaning of that Everly Brothers song until I reached high school already. But the melody, the hymn, it really has brought back memories.


When I hear the song “Bad Day" by Daniel Powter I remember the grief that was inside me over the loss of my brother because of his lingering sickness.

And I can't really say if it’s the lyrics or the melody itself that triggers the emotion, it can be both. Irregardless of the meaning of the lyrics or the melody of the song, when you associate one event to a song and you gave meaning to it, then it will stay forever inside you.

Sometimes I wonder if all songs, which I became familiar with, have different meanings to everyday people also, aside from the message of its lyrics.

Maybe, it's the association of the song to that one captured moment we try to cherish; and then we emotionally embedded it forever in our subconsciousness until it creates a feeling of longing or an imprint, be it a bad memory or a good one; ready to flow whenever it is stimulated by the said music anytime.

To me, songs are like BOOKMARKS in the internet; you want to mark a site because you like it; and if you want to browse it you just click the title or the name you want to see. To my mind, we subconsciously catch one fleeting moment in our lives and then bookmarked it by a SONG and re-experienced it all over again when we hear the song again.





thanks for the images:
zedge, ioffer,com
megamuz.com

Saturday, July 23, 2011

True Comfort in Life


June 01, 2010
1:00 p.m. Tuesday


The year is 2010 and I belong to this much younger generation where in everybody is emphatically shouting stop corruption and end poverty in the streets. It's like the end of the world is very near. The recent surveys and reports showed that the condition we're into right now is very difficult; so many families are deprived of basic needs.

So many families are living below poverty line; When you walk outside and observe the common people in the streets, in their faces you'll see the hardships that they have gone through. You will see their fears, worries from day to day lives. For this young future generation, life has not been very good; at least that is the impression.
Everybody wanted to leave the country and seek greener pastures somewhere else. Calamities like the typhoon Ondoy, el NiƱo, the senseless kilings; all these things only added disappointments, misery in the lives of every Filipino.

But we're in the modern age already, and people can watch TVs with remote controls, you can even classify TVs now into HD TV, plasma TV, LCD TV, 3d ,etc..; we can eat in Jollibee, McDonald's etc. with air conditioned rooms and with clean comfort rooms. Resorts and Hotels are very common also in the country.

There are shopping malls and cinemas all around the city where even ordinary people like us are very much welcome to enjoy.

There are computers, laptops, internets, cell phones for better communications; there are MRTs, LRTs for mass transportations. These things can all be enjoyed by common people today. I can watch for example news on TV and at the same time surf the internet with ease in a comfortable air conditioned room or internet room, listening to mp3 player and texting or calling my friends with my cell phone.

Which brings me to my main point. There were questions in my mind that really kept nagging me. Is it true that we live in a much poorer situation today? Do our grandparents and parents enjoyed their generation the way we enjoy ours today? Probably, they did alright... but do they have better privileges in life as compared today?

The year was 1940’s. Those years were very depressing for the country. Japanese invaded Philippines and our beloved Lolos and Lolas, were very unfortunate because they experienced such harrowing event in our history.
I remember one of many telling stories of our grandfathers. He was 24 years old, together with other kababayans; they were evacuated for several days and nights. They journeyed on foot stopping only to rest. When Japanese sees them, they bowed low to them as a sign of submission. It was a pretty scary time.

There was also an 84 year old veteran soldier who recounted that his family fled their town to the mountainside; he was only 17 years old. There were killings everywhere. The last thing that they could do is to put to safety their own children or love ones from the Japanese soldiers. Imagine the agony and the stress that they were into during Japanese occupation. You can't even shout your rights the way they do in the streets today. The "h'wag matakot, makibaka" thing
And finally, I got acquainted with an 80 year old man and he told me stories about his ordeal during the Japanese occupation. He said to me that he saw with his own eyes the Japanese soldiers violently bayoneting infants in Manila. The soldiers, according to him, will toss the babies up and then catch it with their bayonets. I was aghast; this gives me the goose bumps. Imagine, if these things will happen today, what will I do?

Those scenes kept on creeping in his mind that is why he said he never looked at anybody's casket nor attends funeral ceremonies anymore. Picture an 80 year old Grand Pa, spending his last years still trying to comprehend what had happened during the World War II. To my mind, I'm afraid, those telling events may linger up to the last breathe of his life, sad to say.

That, for me, is the most dreadful years in the history of the Philippines (probably the other one is the Spanish occupation). In all honesty, Our Grand Pa and Grand Ma had done so much in order for us to live more comfortably today. We need to learn from them. We need to respect them. Remember we are the second worst hit country in the world during the World War II next only to Poland; that by itself proves the resiliency of Filipinos. And resiliency is the trademark of our Kababayans even overseas. I myself do not know where this trait came from.



Until I read a column of the Inquirer newspaper about Fr. James Reuter who is 94 years old already and had been here in the country for 72 years.


He said: "It's because the Filipinos - and God forgive me for saying this and it's really 100% true - are the most lovable people in the world. You don't realize that what God has given you. When I came first here, I thought I was bringing God to the Philippines, but what I discovered was (the Filipinos) brought God to me."

Of course not all Filipinos are like so.






thanks for the images:
zedge, anakbayan-nynj blogspot, nupxl.com, flickr.com
incredibleimages4u.blogspot, emersonkent.com
www.ww2incolor.com, www.Ibfilamevents.org

Sunday, December 6, 2009

Ang Matandang Tamarindo



Ayon sa matatanda, meron daw isang punongkahoy ng sampalok doon sa isang tahimik na baryo. Ang sabi-sabi, panahon pa raw ng mga kastila ay nanduruon na iyon at ito raw ay naging isang piping saksi sa mga pangyayari noong mga nagdaang panahon magpasahanggang ngayon.

Kami nang aking dalawang pang mga kapatid ay lumaki sa siyudad at ang lugar na pinaglalaruan namin doon ay sementado at di-gaanong kalakihan. Kung ikaw ay lalabas naman ng tarangkahan, ikaw ay masasagasaan ng mga nag-salimbayan na sasakyan. Nung nalaman ko na kami ay lilipat na sa malayo, (sa kadahilanang gagamitin na ng may-ari ang inuupahan naming bahay) ako ay nalungkot.

Hinatid kami ng mga dati naming mga kalaro kasama ng kanilang magulang gamit-gamit ang sasakyan nilang dyip. Sa lilipatan naming bahay duon sa tahimik na baryo na iyon kami ay naglakbay; kasa-kasama rin naming nag-hatid si tiyo Dikoy dala ang kanyang sasakyan.

Habang kami ay paparating na sa lugar, ang unang tumambad sa akin ay ang napakalaking puno ng sampalok na animo'y nakatitig sa akin at mistulang nanlilisik. Ito ay makikita sa tabi ng aming lilipatang lumang bahay na yari sa kahoy. Napakakapal ng mga dahon niyon at ang lalapad ng kanyang mga sanga.

Ang kanyang mga ugat ay animo'y naka-alsa sa lupa na parang gumagapang at ang katawan ng kahoy ay napakalaki; mga tatlong tao na magkahawak pabilog ang katumbas.


Halatang matanda na ang punongkahoy dahil may mga naglalakihang kabuteng hugis-tenga na nakausbong duon sa ilalim ng katawan nito.

Meron ding animo'y maliit na yungib na matatagpuan sa dakong ilalim ng punong iyon, sa pagitan ng malalaking ugat. Aakalain mo tuloy na bahay ng mga duwende ito.

Dahil sa sobrang laki ng punongkahoy, halos siya ang aming pananda pagka kami ay nasa malayo na sa bahay, sapagka't kitang-kita mo ito maski ikaw ay nasa bukid pa lamang.

Napakalaki ng punong sampalok na iyon at kung ihahambing ito sa ibang punongkahoy na makikita roon, masasabing maliliit ang mga ito kumpara sa aming punong tamarindo.

/>Napakalawak din ng lugar para kami ay makapag-laro. Ito ay hindi sementado kagaya ng sa amin sa siyudad.

Ito ay matatagpuan sa harap mismo ng aming bahay katabi ang aming malaking puno na siyang nagsisilbing lilim kapag katanghalian. Ang lugar na nilalaruan namin doon ay lupa na may halong buhangin.


Kapag hinukay mo ito ng di-kalaliman, pinong buhangin na ang makikita.

At ang simoy ng hangin ay sariwa, minsan amoy malansang tubig; mahangin dahil napakarami ng puno. Sa di-kalayuan ay matatanaw mo na ang Laguna de bay.

Paraisong maituturing para sa kagaya kong paslit na taga-siyudad. Makakatakbo ng malaya, makapaghuhukay sa lupa, at kung anu-anu pang mga laro. Subali't sa edad kung iyon na pitong taon, namamayani sa akin ang takot dahil sa higanteng puno ng sampalok na iyon. Para bang ito ay nagbabadya sa akin na huwag lumabas nang bahay, kung hindi ay lalamunin ako ng buhay.

At doon ko narinig ang mga kuwento ng mga matatanda tungkol sa higanteng puno ng sampalok. May nakapagbulong sa akin minsan, nung bata pa ako, na meron daw nagpapakita na pugot na ulo ng pari doon sa malaking sanga sa pinakataas ng puno; minsan daw ang pugot na pari ay nakaputing sutana, o kaya naman ay naka-itim.

Meron ding naglalakad na nakaputing babae sa tabi ng aming bahay, malimit daw iyon magtigil doon sa malaking katawan ng punongkahoy, pagka-gabi.

May nakapagkuwento naman na may mga duwendeng nagpapakita raw doon sa maliit na yungib malapit sa malaking ugat ng punong iyon.

Ang sabi-sabi ng ibang taga-roon din ay mayroong animo'y bulalakaw daw na pumapa-imbulog sa kadiliman tuwing hatinggabi at ito ay nanggagaling dun sa malaking puno na yaon; matapos umikot sa baryo, ito'y biglang hihinto sa puno at maglalaho na lamang na parang bula.

Pagka-hatinggabi rin daw, may pugot na ulo ng baka, na ang kulay ay pula, ang lumalabas sa puno at umiikot o gumagala. Ito raw ay babalik din sa malaking puno na iyon at doon kusang mawawala.

Meron ding nakapagkuwento sa akin na may pugot na sundalong kastila ang nagpaparamdam at nagsasabing may kayamanan daw sa ilalim ng higanteng punong iyon at kung sakaling naisin na kunin ang kayamanan, ito ay may kapalit na buhay.

May nagsasabi naman na may nakikitang kapre raw doon;

Meron naman, tikbalang at may mga dating sundalo raw ng hapon ang nag-baon ng mga kayamanan doon sa ilalim ng malaking sampalok na iyon.

Lahat ng mga iyon ay kuwentu-kuwento ng mga matatanda at ito ay naiuulit din naman sa akin ng mga kalaro ko kapag kami ay nagkakatipun-tipon sa ilalim ng aming punongkahoy.

Ang mga kuwentong iyon ay sapat na para hindi ako makatulog sa gabi at matakot kapag may narinig na kumakalampag sa bubungan namin.


May pagkakataon pa nga, habang ako'y naglalaro sa labas ng aming bahay at magtatakip-silim, natatakot akong tumingin sa malaking puno baka kasi may taong nakabigti sa mga sanga nito o di kaya ay salubungin ako ng multo kaya't ang ginagawa ko ay tumatakbo ako ng matulin hanggang sa makapasok ako sa loob ng aming bahay sabay sarado ng pintuan namin.

Subali't sa mura kong edad na iyon, parang may kakaibang pakiramdam din ako tungo sa malaking puno ng sampalok namin na iyon bukod sa takot. Para sa akin, para siyang isang haligi na sumasanggalang sa lahat ng mga panganib dahil sa kanyang napakatayog at napakalapad na mga sanga at malalaking mga ugat.

At ang kanyang katawan at balat na napakatanda na kung pagmamasdan, para bang maisasahalintulad sa isang uugud-ugod na ermitanyo na handang magbigay ng kanyang dunong at karanasan sa mga paslit na katulad namin nung mga panahon na iyon.

Dumating ang mga taon, ang takot na naramdaman ko ay napalitan ng pagka-gaang ng loob sa higanteng punongkahoy na iyon.

Natatandaan ko pa, sa tuwing papasok ang buwan ng Setyembre hanggang Pebrero, para bang ang malaking puno ay nakiki-ayon sa panahon. Ang kanyang mga maliliit na dahon ay unti-unting naglalagas at bumabagsak sa lugar na pinaglalaruan naming lupa sa ilalim ng puno.

Mistulang kami ay nasa ibang bansa at umuulan ng niyebe! Sa sobrang dami ng mga nahuhulog na tuyong dahon sa puno, animo'y may kumot na nakalatag sa lupa sa aming tapat na bahay.

Ang kulay niyon ay mamula-mula na kayumanggi o di kaya ay kulay kahel at ang halimuyak ng tamarindo ang dumadampi sa hangin.

Nguni't sa kagaya kong paslit, hindi ang halimuyak ng puno ang importante kundi ang makapag-laro kami! At sa kumot na yari sa mga mumunting mga dahon na yaon doon kami naghahabul-habulan, nagmomoro-moro, mataya-taya, langit-lupa at hinanduyan.

May pagkakataon pa nga na dinadakot ko ang mga tuyong dahon na iyon at binibilog sabay ipupukol ko sa aking dalawang kapatid at mga kalaro at ganun din ang gagawin nila sa isat-isa habang naghahabulan;

Animo'y isang bola ng niyebe na napapanood sa sine pagka-pasko!

Sa mga buwan o panahon ding ito, namumunga ang aming higanteng tamarindo. Minsan nakakakuha kami ng isa hanggang dalawang bayong na tamarindo at ito ay mga hinog, bukod pa dito ang manibalang. At para makakain ka naman ng hinog na sampalok ng hindi umaakyat sa puno, maghintay ka lamang ng malakas na ugoy ng hangin at siguradong may babagsak na mga hinog na bunga sa lupa.

Para sa akin, ang pinakamasarap ay ang malasebo o manibalang na bunga.




Pagdating naman ng mga buwan ng Mayo hanggang Agosto, ang mga tuyong sanga ng tamarindo ay nagkaka-buhay. Nagkakadahon at namumulaklak na ito.


Napakagandang tanawin din kapag bakasyon; ang mga mumunting bulaklak ng sampalok ay unti-unting bumabagsak sa lupa at nagkukulay dilaw ang paligid. Ang mga bulaklak na ito ang siyang ginagamit namin na pangsigang o pang-sahog sa ulam.

Napakasarap sariwain... Sa malapad at napakalaking katawan ng aming punong tamarindo na iyon kaming magkakapatid sumisilong pagkatanghalian.

Kapag hapon naman kami ay naglalaro, kasama ang mga kapwa paslit naming mga kaibigan ng taguan, kurikit, tumbang preso, piko, patintero at iba pa.

Animo'y masayang nagmamatyag naman ang higanteng puno sa amin na para bang nagmamasid lamang habang naglalaro kami sa kanyang lilim.

Inaakyat din namin ang kanyang malaking katawan at malapad na mga sanga at naghahanap kami ng mga pugad ng ibon at mga bunga.

Bagama't hitik sa higad at antik ang punong iyon, marami pa ring mga bata ang naeengganyo na umakyat sa napakalaking katawan at malapad na sanga niya na iyon.


Pagka-gabi naman, napakalamig dahil sa kanyang mga sanga at mga dahon na mayayabong at nakatutuwang panoorin ang isa-isang pagbagsak ng mga tuyong dahon sa lupa at unti-unting kumakapal ang mga ito.


Sa aking pakiwari,ang higanteng sampalok namin na iyon ay may ibig nang ipahiwatig noong pang mga panahong kami'y masasayang paslit na kung saan ay walang kapaguran na naglalaro sa kanyang lilim; nguni't iyon ay hindi ko man lamang napakinggan.

Para bang may sinasabi siya sa aming mga naglalaro nuon doon na: " Sige, mag-laro kayo mga bata, namnamin niyo na ang mga kaganapan ngayon, dahil sa ako'y tumatanda na; hindi ko alam kung ako ay magiging saksi pa rin sa mga pangyayari. Ako ay napapagod na rin" aniya marahil.

Sa kadahilanang ang direksiyon ng pag-unlad ay hindi na mapipigilan lalung-lalo na sa aming bayan, ang aming malawak na pinaglalaruan noon ay pinaderan na. Bagama't may konting lugar pa para maglaro doon sa may bandang puno ng sinigwelas, unti-unti na ring itong napalitan ng mga bahay. At dahil sa nakasasagabal ang malalaking sanga at dahon ng aming punong tamarindo sa mga bahay at bubong, ito ay pinutol. Ang natira na lamang sa puno ay ang malaking katawan niya sa tabi ng aming bahay. Ang malawak na lugar na pinaglalaruan namin sa harap ng bahay ay tuluyan nang nasarahan. Napilitan kaming dumaan na lamang sa likod-bahay at ang lusot nito ay sa kabilang kalsada na.

Pagkalipas ng ilang taon, napilitan uli kaming lumipat ng ibang tirahan. Binagyo kasi ang aming lugar at binaha, marahil sa sobrang dami na ng bahay at pati na rin tao. Wala nang pagdaluyan ang tubig kaya't abot hanggang binti ang baha sa may bahay namin. Panibagong buhay, panibagong pakikisama. Nanumbalik tuloy uli sa akin ang mga pangyayari dati na kung saan galing kaming kabihasnan at napalipat sa lalawigan.

Nagwakas na nga ang masasayang panahon ng aming pagka-bata. Tama nga, lahat ay nagbabago, lahat ay lumilisan. Walang permanente dito sa mundo. Ang sabi nga; "Lahat tayo ay dumadaan lamang." Nguni't kahit man lang sana sa isang gahiblang alaala ng masasayang kaganapan sa ating buhay ay sapat na upang ito ay magsilbing inspirasyon sa atin ng ganap. Parang isang marikit na bulaklak na namumukadkad, humahalimuyak at kahali-halina. Hindi mo ito puwedeng pagbawalang mamukadkad sapagka't ito ang itinadhana.

Malalim at di-pangkaraniwan ang mga iniwan na alaala sa akin ng malaking puno ng sampalok namin na iyon. Nalulungkot ako at di man lamang ako nakapag-paalam sa kanya. Ilan pa kayang kagaya ko na musmos dati ang napasaya niya? Ang sabi-sabi, panahon pa raw ng kastila nanduruon na siya. Ilan pa kayang mga paslit ang nasubaybayan niya hanggang sa pag-laki at nakapag-ukit ng magandang mga alaala sa mga ito.

Nakakahiya mang aminin pero ako ay naging isang tahimik na saksi sa pagwawakas niya. Di na tuloy siya makapag-bibigay ng kasiyahan sa mga susunod pang mga henerasyon ng mga paslit doon. Sinasabing ang NASA TAAS lamang ang makapaghahatol kung ang isang nilalang ay kukuhanin na. Sa kaso ng aming malaking puno, ito ay oras na; at kung hindi man nagkagayon ang mga pangyayari, maaaring sa panahon ngayon iyon din ang kanyang kahihinatnan; ang maputol siya kapalit ng pag-unlad ng bayan.


Nasaan na kaya ngayon ang minamahal kong makisig na punongkahoy na sampalok na iyon? Siya ay nanduruon pa rin, matatag na nakatayo; o tila baga siya'y nagkukunwaring matatag na lamang.
Bagama't ang kapirasong pinutol na maikling katawan na lamang na nakabaon pa rin sa lupa ang taglay kong alaala, ito nama'y nagsisilbing patunay , na minsan ay may isang higanteng puno ng sampalok na hitik kung mamunga; malalaki at malalapad ang mga sanga na mistulang aabot hanggang langit; at mga luntiang dahon na mayayabong, ang naghari sa lugar na iyon.

Sa ngayon, siya ay napaliligiran na lamang ng mga pader at mga bahay. Napaka-sikip at makipot na ang kanyang teritoryo. Hindi ko tuloy mawari kung siya ay buhay pa, o siya'y nagpapatay-patayan na lamang. May tumutubong maliliit na talbos ng tamarindo subali't namamatay din sa kalaunan.




thanks to the ff:

mygoodpaintings.com/ emanuel's gallery
zedge RezaKhonsa&draganet
overlandsinindia2009.blogspot.com
thejamalpu.wordpress.com
picasaweb.google.com
isaanstyle.blogspot.com
chintachiguru.flickr.com
stjohnbeachguide.com
www.kriyoga.com