TIYAGONG ARAW
Ang may akda ay tagapag-lahad lamang ng mga matatalinghagang kaganapan na siyang nagpatingkad nitong ating buhay. Siya'y nagka-isip noong dekada '70, naging mapaglarong paslit panahon ng '80 at namulat sa buhay nitong mga nakalipas na taon ng '90. Patuloy ang kalinangan niyang iyon magpahanggang sa kasalukuyan. Aniya, ang mundo'y umiinog kaakibat ng buhay. Taglay nito ang mga personal na hamon, pagpupunyagi, pagdadalamhati at higit sa lahat, ang bugso ng ating mga ala-ala; mga ala-alang dalisay na inukit at inalay ng panahon sa bawa't isa upang sariwain. Mga ala-alang animo'y pitak na tatatak sa kamalayan na ganap. Ang pagsusulat niya'y hindi iginiit, ito'y ibinulong lamang sa isip ng kusa. Kalimitan, marapat na maisulat sapagka't maaaring makaligtaan niya ito sa mga sumunod pang mga araw.