Pages

Saturday, August 20, 2011

Mabuting Tao



April 09, 2010
1:15 pm Friday

Kung sasabihin ko sa'yo na ako'y mabuting tao maniniwala ka ba sa akin? Paano masusukat ang kabutihan ng isang tao?"



Pagpinulaan ng isang tao ang isang mapagmataas na ugali ng kanyang kapwa, halimbawa ay: " ang taong 'yan ay mayabang" at sa pakiwari mo ay totoo naman, sa palagay mo kaya ay nakatulong ang pag-sabi ng masakit na salitang iyon upang siya ay mapabuti?

Ang karaniwang tugon na maibabalik sa iyo ay maaaring ganito: " masakit ang katotohanan" o di kaya naman ay "e yun ang katotohanan!".


Hindi naman ipinagbabawal sa atin na sabihin kung ano ang makatotohanan lalo na't tungkol ito sa ugali ng isang tao;

Subali't higit na mainam sana kung ito ay sasabihin ng hindi nakasasakit sa kalooban o di kaya ay may kagaangan ng salita bagama't masakit talaga ang katotohanan.

Ang simpleng pag-usal ng pananalitang "ang taong 'yan ay mayabang" sa temang nagaalinlangan o di kaya'y para bang nahihiyang sambitin ay isa ring tanda na ikaw ay may mabuting kalooban.

Hindi nito sinusukat ang pagiging matalino mo o di kaya ay walang pinag-aralan. Sapagka't maaaring nakapag-aral nga nguni't ang ugali ay hindi maganda.

May mga kapos sa buhay naman at di nakapag-aral pero ang ugali ay ginintuan. Ang pagkabusilak ng kalooban ay napakahalagang katangian ng isang tao.

Hindi nito sinasaklawan ang ating pagiging isang muslim, katoliko, hudyo o anupaman.

Ito ay nasa katauhan ng bawa't isa.


Naniniwala ako na tayong lahat ay may busilak na kalooban;

Subali't dala marahil ng kawalan, mga problema o di kaya ay kahirapan, maaari ring dahil sa walang humpay na paghahanap ng karuwagan o makamundong panandaliang kasiyahan, ang mga kabutihang ito ay hindi na natin naisasabuhay at maaaring ito ay nakaligtaan na.

Pa'no kaya masusukat ang kabutihan ng tao?

Ako man ay hindi ko alam.


Subali't iisa lamang ang nasasa-isip ko kapag kabutihan ng tao ang pag-uusapan. Kapag ang isang tao ay handang magsakripisyo at di man lang inalintana ang kanyang buhay o sarili para sa kapakanan ng kanyang kapwa bagama't hindi niya kakilala o ni nakadaupang-palad man lamang ang mga ito; Ito na marahil ang pinakamataas na uri, sa aking palagay, ng kagandahang asal ng isang tao na di matatawaran kailanman.















salamat kay sibfrost04, fil.wikifilipinas.org, pnoytv.com, fattymoon.posterous.com
kobason.wordpress.com, managementhelp.org, superstock.co.uk, thjdhdgh.com, ondoy2609, theage.com.au, inquirer.net

No comments:

Post a Comment